CHAPTER THREE
ISANG
nilalang ang hindi makatulog ng gabing iyon. Ginagambala siya ng utak niya na
samo’t sari ang naglalaro. Mga imaheng hindi maalis-alis doon na para bang
kahit anong gawin niya ay hindi na mawawala. Bumangon siya sa kinahihigaan at
dumungaw sa bintana. Tumingin siya sa madilim na kalangitan. Matagal pa bago
lumabas ang araw at mahaba pa ang gabi. May gusto siyang gawin na kanina pa
isinisigaw ng utak niya.
Kunin mo ang matalim na kutsilyo. Lumabas ka
at humanap na papatayin! Kunin mo ang kaniyang puso gaya ng dati! Mga
salitang umaalingawngaw sa loob ng kaniyang ulo.
Paulit-ulit
at talagang hindi siya papatulugin. Alam niya iyon. Hindi na bago sa kaniya ang
eksenang ito at maging ang mga boses na kaniyang naririnig.
Kunin mo ang matalim na kutsilyo.
Lumabas ka at humanap na papatayin! Kunin mo ang kaniyang puso gaya ng dati!
Napahawak ang
dalawang kamay niya sa kaniyang ulo. “Oo na! Oo na! Gagawin ko na! Tumigil na
kayo!” Napaupo siya sa sahig habang tumatangis. Hindi talaga titigil ang mga
boses kapag hindi niya pinagbibigyan sa gustong gawin niya.
Ang
pagtangis niya ay unti-unting napalitan ng pagtawa. Tawa na naging halakhak.
Kung may ibang tao lamang na makakakita sa kaniya, iisipin na siya ay
nasisiraan na ng ulo. Naglaho ang tawa habang marahan siyang tumatayo. Pumunta
siya kung nasaan ang kutsilyo—nasa aparador. Natatakpan ng kaniyang mga damit.
Kinuha niya ang kutsilyo at akala mo ay isang napakahalagang bagay niya iyong
tiningnan. Kumikislap pa ang talim niyon. Halos isa’t kalahating dangkal niya
ang haba niyon. Ang tanganan ay kulay itim na yari sa matigas na uri ng
plastik. Sakto lamang ang taba niyon sa kaniyang kamay. Hindi dumudulas kapag
ganiyang hinahawakan. Alam niya na sobrang talas niyon dahil palagi niya iyong
hinahasa. Para handa siya kapag naririnig niya ang ang mga boses.
Nagpalit
siya ng damit. Itim na sando na pinatungan niya ng itim na jacket. Pantalong
itim at sapatos na ganoon din ang kulay. Inayos niya ang buhok at nagsuot siya
ng kulay itim din na cap. Itinago niya ang kutsilyo sa bulsa na nasa loob ng
jacket.
Lumabas
na siya ng bahay at naglakad-lakad. Wala nang katao-tao sa labas. Nagtahulan
ang mga aso nang mapadaan siya sa isang bahay na maraming aso.
Malikot
ang kaniyang mga mata at nilalakasan niya ang kaniyang pakiramdam. Kung sino
ang unang makita niya ay iyon ang kaniyang bibiktimahin.
Bilisan mo na. Gusto na naming
makita na pumapatay ka!
Gamitin mo ang kutsilyo! Pumatay
ka!
“Tumigil
na kayo! Gagawin ko na nga ang gusto ninyo!” Makailang ulit niyang pinukpok ang
ulo gamit ang nakakuyom na kamao bago nawala ang mga boses.
Humihingal
siya pagkatapos kahit wala pa naman siyang ginagawa. Marahan siyang umayos ng
tayo at may sumilay na nakakatakot na ngiti sa kaniyang labi. Nangangati na ang
kamay niya na gamitin ang itinatagong kutsilyo. Gusto na niyang isaksak iyon sa
laman ng tao tapos paghugot niya ay may sasamang malapot na dugo sa talim
niyon. Kakaibang saya rin ang naibibigay sa kaniya ng nakakangilong tunog kapag
kumiskiskis at tumatama ang kutsilyo sa buto ng tao. Pero wala nang mas hihigit
pa sa kasiyahan niya sa tuwing winawakwak na niya ang dibdib ng isang tao.
Tapos unti-unti niyang hihilahin ang puso nito at isa-isang mapuputol ang ugat
na nakakabit doon!
Sandali
niyang ipinikit ang mga mata at pinuno ng panggabing hangin ang dibdib.
Pagkuwa’y marahan niya iyong ibinuga. Kinakalma niya ang kaniyang sarili. Ilang
sandali pa nga ay normal na ang kaniyang paghinga. Nag-umpisa na siyang
maglakad-lakad.
Malaki
ang naitutulong ng gabi para makakilos siya ayon sa gusto niya. Nagagawa niyang
ikubli ang sarili sa kadiliman.
Maya
maya lang, habang naglalakad siya sa isang kalsadang walang gaanong bahay ay
may nakita siya sa unahan niya na isang lalaki na pagewang-gewang ang
paglalakad. Alam niyang lasing ito dahil sa paraan ng lakad nito. Medyo
nalungkot siya dahil kapag lasing ang isang tao ay hindi ito nakakalaban nang
maayos. Gusto pa rin kasi niya iyong nahihirapan siya kahit papaano. Iyong
hahabulin niya ito hanggang sa mapagod ito. Tapos kapag naabutan niya ay brutal
niya itong papatayin gamit ang kutsilyo. Pakiramdam niya ay sulit ang pagod
niya kapag ganoon.
Wala
na rin naman siyang pagpipilian kundi ang lalaking lasing na kaniyang nakikita.
Baka kapag pinalampas pa niya ito ay wala na siyang makitang pwede niyang
mabiktima ngayong gabi. Paniguradong hindi siya papatulugin ng mga boses kapag
hindi siya pumatay ngayon.
Inihanda
na niya ang kaniyang sarili. Pumwesto siya sa gilid ng kalsada at isinuot ang
hood ng jacket sa kaniyang ulo. Bahagya siyang yumuko pero ang mata niya ay
nakatutok sa bibiktimahin. Akala mo ay isa siyang agila na naghihintay ng
paglapit ng kaniyang target.
Nang
nasa tapat na niya ang lasing na lalaki ay huminto ito at umunahan ang ulo na
para bang inaaninag kung sino siya.
“Hoy!
Gabing-gabi na, a. Bakit nandito ka pa sa labas? Hindi mo ba alam na may killer
na gumagala dito kapag ganitong buwan? Ah… hindi mo siguro alam kasi dayo ka
lang dito,” lungange na sa pagsasalita ang lalaki.
Ilang
bote kaya ng alak ang nainom nito?
“Alam
ko…” sagot niya sa malalim na boses.
“Alam
mo naman pala, e. Umuwi ka na. Kung gusto mo, sabay na tayo…”
“Alam
ko, dahil ako ang killer na tinutukoy mo.”
Natahimik
nang ilang segundo ang lasing pero malakas itong tumawa. “Nakakatawa ka naman!
Ang galing mong magbiro!” Iiling-iling pa ito. “Sige nga, kung ikaw `yong
killer… saksakin mo ako! Bilis na. Saksakin mo ako!” Dumipa pa ito.
Tumalim
ang tingin niya sa lasing na lalaki. Marahan siyang lumapit dito at huminto sa
tapat nito. Kinapa niya sa loob ng kaniyang jacket ang kutsilyo. Mabilis niya
iyong inilabas at walang babala na itinarak niya iyon sa kaliwang parte ng leeg
ng lalaki. Sa haba ng kutsilyo ay tumagos ang talim niyon sa kabilang bahagi ng
leeg ng lalaki!
Gulat
na gulat ang lalaki sa ginawa niya at hindi na nito nagawang makasigaw. Nanlaki
ang mata nito. Paghugot niya ng kutsilyo ay siya ring pagbulwak ng dugo doon.
Napahawak ang lalaki sa sugat nito sa leeg. Pilit na pinipigilan ang
pagpulandit ng dugo gamit ang mga kamay.
Hindi
pa siya nakuntento. Muli niyang sinaksak ang lalaki sa leeg. Dalawang beses!
May
dugong tumalsik sa gilid ng kaniyang labi. Gamit ang dila ay inabot niya ang
dugo doon at ngumiti ng malaki.
Nanghihinang
natumba ang lalaki sa sahig. Akala mo ay isa itong manok na kumikisay dahil
ginilitan sa leeg.
Muli
niyang itinago ang kutsilyo sa loob ng kaniyang jacket. Yumukod siya at kinuha
ang dalawang paa ng lalaki. Hinila niya ito palayo sa lugar na iyon. May nakita
siyang sementeryo sa hindi kalayuan at doon niya ito dinala. Pabalang niya
itong isiniksik sa likod ng isang nitso.
Inilabas
niya ulit ang kutsilyo habang ang lalaki ay tila naghihingalo na. Nakanganga
ito na parang isdang pilit na sumasagap ng hangin dahil inalis sa tubig.
Lumuhod
siya sa tabi ng lalaki. Itinaas niya ang kutsilyo at isinaksak niya iyon sa
dibdib nito. Halos kalahati ng patalim ang ibinaon niya. Gamit ang kutsilyo ay
winakwak niya ang dibdib ng lalaking iyon. Nilagari niya ang ribs na nakaharang
sa puso at nang magkaroon na ng espasyo na kasya ang kaniyang kamay ay saka
niya maingat na dinukot ang puso ng lalaki.
May
kasiyahang pinagmasdan niya ang puso sa kaniyang duguang kamay. May madadagdag
na naman sa kaniyang koleksiyon! Pagkauwi niya ay ilalagay niya iyon sa garapon
at lalagyan ng tubig na may kasamang kemikal para mapreserba iyon.
Parang
wala lang na iniwan niya ang lalaki sa sementeryo. Bukas ng umaga ay siguradong
pag-uusapan na naman ng mga tao ang kaniyang ginawang ito!
“BASTA,
Susan, mag-iingat ka, ha! Mag-isa ka pa naman dito palagi,” paalala ni Mariposa
kay Susan habang nasa tapat sila ng nakabukas na gate ng binabantayan na bahay.
Tumango
si Susan. “Oo naman. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko kahit babae ako,”
aniya sa kaibigan para hindi na ito mag-alala.
“Tama
iyan. Kahit mga babae tayo, we need to know how to defending our body!”
“Ewan
ko sa’yo! Ako lang ang babae, hindi ikaw! Feelingera!”
Pabiro
siya nitong inirapan. “Sige na. Kailangan ko nang umalis. Nag-text na kasi
iyong jowa ko. Gutom na daw. Papakain ko muna ng breakfast para pagkatapos ng
breakfast, siya naman ang kakainin ko!” Kinikilig na kumislap ang mata ni
Mariposa na para bang ini-imagine nito ang gagawin nito mamaya sa boyfriend
nito.
“Ano
ba `yan?! Ang balahura naman! Eww!” arte ni Susan.
“Makaarte
ka naman diyan! Palibhasa, virgin ka pa! Magsasara na iyang keps mo kasi walang
pumapasok!”
“May
papasok na dito. Malapit na! Kapag nakahanap ako ng date sa Tinder!”
“Wishing
you luck! Bye na nga at napapasarap pa ang kwento natin. Bye, Susan! `Yong
pustahan natin, ha. Kapag ako ang nanalo, alam mo na!” ani Mariposa habang
kumakaway ito at naglalakad palayo sa kaniya.
“Oo!
Mananalo ako doon. Huwag kang feeling! Ingat ka, bakla!” gumanti siya ng kaway
sa kaibigan at nang mawala na ito sa paningin niya ay saka lang siya pumasok
ulit sa loob ng bahay.
Siniguro
niyang naka-lock ang gate. Kahit umaga ay kailangan pa rin nilang mag-ingat
dahil hindi naman nila alam kung kailan darating ang panganib o aksidente.
Pagpasok
ni Susan sa loob ng bahay ay nanood siya ng TV para mawala sa utak niya iyong
imahe ng lalaking pinatay sa sementeryo. Baka kasi hanggang sa pagtulog niya ay
maisip niya pa rin iyon at mapanaginipan pa niya.
Panay
ang lipat niya ng channel dahil walang palabas ang makakuha ng kaniyang
interes. Sana pala ay nagbantay na lang siya sa internet shop ngayon para naman
abala ang utak at katawan niya. Pero nakakahiya naman doon sa taong binayaran
ng tita niya na magbabantay pansamantala kung papasok siya ngayon.
Tinatamad
na humiga si Susan sa sofa at napabuga ng hangin. Tumagilid siya at nakita niya
ang kaniyang cellphone na nakapatong sa center table. Mukhang iyon na lang ang
bagay na pwede niyang paglibangan sa mga oras na ito.
Pero
dahil tinatamad siyang tumayo ay ginamit na lang niya ang kaniyang paa para
kunin ang cellphone. Medyo nahirapan siya pero hindi siya sumuko hanggang sa
maipit na niya ang cellphone sa daliri sa isang paa. Kinuha na niya iyon at
binuksan.
Naisipan
niya agad na i-open ang kaniyang Tinder. Maghahanap na lang siya ng ka-match
niya doon para may ka-date na siya sa darating na Valentine’s Day. Determinado
talaga siyang manalo sa pustahan nila ni Mariposa. Hindi lang dahil sa pera
kundi para na rin may lalaki siyang makilala na pwede niyang maging boyfriend.
Naiinggit na rin kasi siya talaga kay Mariposa. Kahit bakla ito at hindi naman
maganda ay tinalo pa siya. Kaya kung kaya ng isang gaya ni Mariposa ang
magkaroon ng boyfriend, dapat ay kaya niya rin!
Nais
na rin niyang maramdaman kung ano ba ang pakiramdam ng may boyfriend. Gusto na
niyang makipagpuyatan dahil magkatext o magkausap kayo sa cellphone. Iyong
magce-celebrate na rin siya ng anniversary, monthsary, weeksary, daysary o
kahit hoursary pa iyan at lahat ng -sary! At siyempre, gaya ng sabi ni Mariposa
kanina, ayaw din naman niyang mamatay ng virgin kaya gusto niyang maranasan ang
mawasak ng isang lalaki. Iyong wasak na wasak! Tipong hindi siya makakalakad ng
isang linggo tapos nakabukaka lang siya kapag naglalakad. Ganoon ang gusto niya!
At
ang lahat ng iyon ay mararanasan niya kung makakahanap siya ng jowa sa Tinder.
Ang naturang application na lang talaga ang pag-asa niya sa ngayon. Hindi naman
kasi siya sanay makipag-usap ng personal sa mga lalaki. Mas malakas ang loob
niya kapag online muna.
Napakunot
ang noo ni Susan nang may makita siyang maliit na kulay pulang bilog sa icon ng
inbox sa kaniyang Tinder. Ibig sabihin kasi niyon ay may naka-match siya o kaya
ay may nag-message sa kaniya. Matutuwa na sana siya pero bigla niyang naisip na
swi-nipe right nga pala lahat ni Mariposa iyong mga lalaki kaya malamang ay may
makaka-match siya. Pero okay na rin iyon. Sa tagal niya na nag-ti-tTinder ay
ngayon lang siya may naka-match. Sa sobrang pili niya kasi ay pala niyang
sina-swipe left ang mga naroon. Ang hiling na lang niya, magustuhan niya sana
ang mga naka-match niya.
Napataas
ang kilay ni Susan nang may tatlo pala siyang naka-match. Iyong isa ay
nag-message sa kaniya. Nag-hello lang naman. Tiningnan niya ang profile. Vergel
ang pangalan at thirty years old na. Iyon nga lang isa lang ang picture nito
tapos mata lang ang kita niya.
“Ano
naman ang gagawin ko sa mata mo?” inis niyang tanong sabay tirik ng mata.
Nawalan
na siya ng gana dito. Baka kasi hindi niya gusto ang hitsura nito kaya hindi na
lang niya rereplyan. O baka ubod ng pangit kaya mata lang ang kayang ipakita!
Tiningnan
na lang niya iyong dalawa pang naka-match niya na lalaki na hindi naman siya
minessage. Medyo naiinis lang din siya sa dalawang iyon. Naka-match na nga siya
hindi man lang naunang mag-message sa kaniya kahit hi or hello. Mga ibang
lalaki talaga ngayon, parang babae na rin. Gusto ay babae na ang mauunang
mag-approach!
Inuna
niya iyong may pangalan na Ramon. Ka-edad niya lang. twenty seven din. Moreno
si Ramon at mukhang batak ang katawan sa gym. Puro sa beach ang picture nito.
Average looking kaya pwede na para kay Susan.
Chinat na niya ito…
Susan: Hello po.
Habang naghihintay ng reply dahil
baka hindi pa online iyong si Ramon ay iyong isa naman ang tiningnan niya ang
profile. James naman ang pangalan at twenty nine years old na. Maputi, gwapo at
maganda ang katawan. Mukhang mayaman dahil nakasuot ng amerikana. Parang CEO sa
isang malaking company. Sa tatlong naka-match niya ay ito ang pinaka gusto
niya. Kaya naman nanginginig ang mga daliri niya sa pagtipa ng mensahe para kay
James.
Susan: Hello. Kumusta ka na? Kumain ka na ba? Ang gwapo mo naman po, koya!
Sa sobrang excite niya ay napahaba
ang message niya para kay James.
Ngayon pa lang ay kinikilig na siya
kung sakaling mag-reply si James sa kaniya. Malakas kasi ang pakiramdam niya na
ito na talaga ang magiging ka-date niya sa Valentine’s. Kahit saan siguro siya
dalhin nito ay sasama siya.
Upang hindi masyadong kabahan ay
nagtingin-tingin muna siya sa mga piliin ng lalaki. Hanggang sa hindi nga
nagtagal ay nagkaroon na naman ng kulay pulang bilog iyong icon ng kaniyang
inbox. Kinakabahan na tiningnan niya ang kaniyang inbox at nawala ang
excitement niya nang hindi si James ang nagreply kundi si Ramon.
Ramon: Hello. Kumusta?
Siguro naman ay okay lang na
makipag-chat muna siya kay Ramon habang wala pang reply si James. Pampalipas
lang naman ng oras.
Susan: Okay lang naman ako. Ikaw ba?
Ramon: `Eto, nililibugan sa’yo. Malaki
ba dede mo?
Susan: Bastos ka!
Ramon: E, `yang pekpek mo? Matambok ba?
Masikip pa ba iyan?
Hindi na gusto ni Susan ang mga
sini-send na mensahe ni Ramon sa kaniya. Napaka manyak naman pala nito. Mukhang
mahilig sa sex! Oo, gusto niyang maranasan ang makipag-sex pero hindi naman sa
katulad ni Ramon na parang hayok na hayok sa bagay na iyon. Baka puro ganoon na
lang ang gawin nila kapag ito ang pinili niyang ka-date. Kaya naman nanginginig
pa ang mga daliri ay agad niyang hinanap ang block button at bli-nock niya si
Ramon para hindi na siya maperwisyo nito!
“Iyan ang dapat sa iyo. Manyak!”
turan pa niya pagka-block dito.
Muntik na niyang mabitawan ang
kaniyang cellphone nang biglang mag-message si James sa kaniya. Nagmamadali
niyang in-open ang chat box nila para replyan ito.
James: Hi…
Susan: Salamat naman at nag-reply ka.
Alam mo, feeling ko kasi ikaw na ang matagal kong hinihintay na magiging unang
jowa ko!
Pagka-send niya ng mensaheng iyon ay
biglang nawala ang chat box nila ni James. Napunta siya sa kaniyang inbox at
nagtaka siya dahil wala na roon ang mensahe nila ni James. Wala na rin ito sa
listahan ng mga naka-match niya.
“Anong nangyari? Bakit nawala usapan
namin?” Nagtataka niyang tanong sa sarili. ‘May napindot ba ako o ano?”
Isang tao lang ang agad na pumasok
sa isip niya na makakasagot sa katanungan niya. Walang iba kundi si Mariposa.
Agad niya itong tinawagan sa number nito at sinabi niya ang nangyari sa
pakikipag-chat niya kay James.
“Naku, Susan. Dalawang bagay lang
naman ang pwedeng nangyari kaya nawala si James sa list ng matches mo. Blinock
ka niya o kaya ay in-unmatch ka niya!” tumatawang sagot ni Mariposa.
“Block? Unmatch? Bakit naman niya
ako iba-block o i-a-unmatch?”
“Baka hindi ka niya bet.”
“Hindi bet? E, nagreply kaya siya sa
message ko.”
“Baka saka lang niya nakita iyong
ibang pictures mo sa Tinder mo. May mga ganoon kasi. Kapag nakita iyong unang
picture, like ka. Pero kapag nakita na niya iyong iba mong picture,
mare-realize nila na hindi ka pala nila type!”
Labis na nalungkot si Susan sa
sinabi ni Mariposa. Baka nga ganoon ang nangyari. Iyong una niya kasing picture
ay makinis siya doon dahil over sa brightness at filter. Iyong mga sumunod ay
wala nang filter.
“Siguro, dapat ay lagyan ko na lahat
ng filter ng pictures ko sa Tinder…” saad niya.
“Ay, no, no, no! Don’t! hayaan mong
magustuhan ka ng mga boys sa iyong natural look! Kesa naman puro filter ka nga
tapos kapag nakita ka sa personal, hindi ka na niya makilala! Gumaya ka sa akin.
My motto is, no filter is life!”
“Hmp! Iniisip ko lang naman na
manalo sa pustahan natin.”
Tumawa si Mariposa. “Well, maghanap
ka lang diyan ng boys sa Tinder, girl! Good luck! Big good luck talaga sa iyo!”
anito at pinutol na nito ang tawag na iyon.
Nanlulumong napasandal na lang si
Susan sa sofa habang nakatingin sa kaniyang account sa Tinder. Isang lalaki na
lang ang nasa listahan ng mga naka-match niya tapos hindi pa niya gusto dahil
sa mata lang nasa picture nito.
“Haaay!!! Matatalo na nga yata ako
sa pustahan namin ng mabantot na baklang si Mariposa!” tila nawawalan na ng
pag-asa na sigaw niya.